^

Police Metro

OWWA, POEA buwagin na – solon

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ni Pangasinan Rep. Rosemarie Arenas ang pagbuwag sa Overseas Wor­kers Welfare Admi­nistration (OWWA) at sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Base sa House Bill 191 na inihain ni Arenas, ito ay upang bigyang daan ang pagtatatag ng Department of Overseas Workers (DOW) na siyang hahawak sa deployment o repatriations ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Nakasaad pa sa panukala na ililipat sa DOW ang kapangyarihan at functions ng OWWA, POEA at iba pang kaukulang ahensiya sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Paliwanag ng mam­babatas, na sa kabila ng malaking kontribusyon ng mga OFW sa bansa ay wala kahit isang ahensiya ng gobyerno na tumutu­gon sa kanilang mga pa­ngangailangan.

Ito ay base umano sa ulat ng Commission on Filipinos Overseas na mayroong 8,579,378 na Filipino overseas at mahigit sa kalahati nito na 4,522,434 ay pawang mga temporary workers.

Bukod dito ang mga OFW din umano ang nagpapataas ng ekonomiya ng Pilipinas lalo na kung may krisis pang ekonomiya sa bansa.

Idinagdag pa ni Arenas na panahon na para i-realign ng pamahalaan ang resources nito para matutukan ang mga OFW at dapat magkaroon ng isang ahensiya na siyang titingin sa kapakanan ng mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa at kanilang pamilya.

 

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPARTMENT OF OVERSEAS WORKERS

FILIPINOS OVERSEAS

HOUSE BILL

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

OVERSEAS WOR

PANGASINAN REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with