2 tepok sa salpok ng tanker

MANILA, Philippines - Dalawa katao na sa­kay ng isang motorsiklo ang nasawi matapos na sila ay salpukin ng isang tanker kamakalawa sa national highway ng Brgy. Catalina Sur, Candelaria, Quezon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Juanito Braza at Imelda Braza; kapwa dead on the spot sa insidente.

Batay sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga nang aksidenteng suwagin ang motorsiklong Honda (6882WC) na minamaneho ni Juanito ng kasunod nitong  Isuzu tanker truck (REF 865) na minamaneho naman ni Victor Tagle sa kahabaan ng Candelaria –San Juan Road, Brgy. Catalina Sur ng bayang ito.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon si Juanito sa highway habang nakaladkad naman ng ilang metro ang angkas nitong si Imelda.

Inamin ng driver ng tanker na naidlip umano siya bunga ng matinding pagod na nagbunsod sa malagim na sakuna.

Nahaharap sa kasong dalawang counts ng reckless imprudence resulting to homicide ang suspek.

Show comments