MANILA, Philippines -Nagkalat ngayon ang mga pekeng tseke kaya nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa publiko.
Ang mga nagkalat na pekeng tseke ay modus operandi umano ng mga sindikato na nagpapakilalang otorisadong silang kinatawan ng BSP at hihingi ng pera mula sa mga biktima.
Ayon sa BSP, hindi sila nag-iisyu o nagga-garantiya ng tseke at ng iba pang commercial document sa pangalan ng ilang indibidwal o pribadong grupo.
Bilang isang financial regulator, nakikipag-tranÂsaksyon lamang umano ang BSP sa mga financial institution na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.
Ginawa ng Financial Consumer Affairs Group ng BSP ang babala at pagÂlilinaw sa layuning maÂpagÂhusay ang kaalaman ng mga Filipino consumer at maprotektahan ang publiko laban sa mga financial scam.