^

Police Metro

LPG tank na ‘explosion proof’, ibebenta sa PH

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nakatakdang magbenta ang independent oil player Eastern Petroleum ng “explosion proof” na tangke ng “lique­fied petroleum gas (LPG)” na kauna-unahan sa Pilipinas.

Sinasabing nasa P3 bilyon ang umano’y ipinuhunan ng Eastern Petroleum para makuha ang karapatan para magamit ang “European made LPG tank” na tinawag na “Eastern Composite o EC Gas”.

Ayon kay Eastern Petroleum Group Chairman Fernando Martinez, hindi hamak na mas maganda ang “performance” at mas ligtas ang kanilang EC Gas tank kumpara sa mga “metal tank” ngayon na nasa merkado.  Bukod sa “explosion proof”, “see-through” rin umano ito at mas magaan ng 10-kilo.

Sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), isa sa nangungunang dahilan ng sunog sa bansa ang pagsabog ng mga LPG tanks.

Meron umanong naitatalang 10 sunog dulot ng LPG kada buwan sa buong bansa.

Nabatid rin na aabot sa 14 na milyong LPG tanks ang nasa sirkulasyon sa bansa kung saan 30% nito ay nanga­ngailangan ng rekalibrasyon.

Sinabi ng Eastern Petroleum na uumpisahan nilang magbenta ng bagong uri ng LPG tanks sa darating na buwan ng Setyembre sa 40 nilang gasoline stations at ng Unioil at sa 200 dealers sa Metro Manila,  Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon sa parehong refill price na P750 kada 11-kilong tangke.

AYON

BATANGAS

BUKOD

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAVITE

EASTERN COMPOSITE

EASTERN PETROLEUM

EASTERN PETROLEUM GROUP CHAIRMAN FERNANDO MARTINEZ

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with