MANILA, Philippines -Tila nagpapigil lamang umano si Bureau of Customs Commissioner (BOC) Ruffy Biazon kaya hindi nito ginaÂwang pormal ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto sa halip ay nag-text lamang kay Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Sen. JV Ejercito, kapag nagbitiw ang isang opisyal sa pamamaÂgitan ng pagti-text ay parang nagpapapigil lamang at wala talagang intensiyon na iwan ang posisyon kahit pa nabanatan na ng Pangulo.
“Government official ka, dapat formal lahat ng transaksiyon at communication,†ani Ejercito.
Tinuligsa din ni JV ang ginawang pagdi-display ni Biazon ng text conversation nila ni Pangulong Aquino sa publiko dahil nagpapakita umano ito ng kayabangan.
Naniniwala si JV na “unethical†ang ginawa ni Biazon na pagbabandera sa publiko ng komunikasyon nila ng Pangulo at hindi ito dapat naging public knowledge.
“Kung anuman ang usapan o text nila ng Presidente, dapat hindi niya i-divulge yun bilang courtesy at respeto na rin sa Presidente,†ani Ejercito.
Aniya, kung totoong sinsero si Biazon at nais nitong bigyan ng kalayaan ang Pangulo na mamili ng bagong uupo sa BOC ay dapat nagpadala ito ng resignation letter sa presidente katulad ng ginawa ni Customs Deputy Commissioner Danny Lim.