Malawakang dayaan sa Napolcom exam sa Mindanao
MANILA, Philippines -Makaraang madiskubre ang malawakang dayaan noong nakaraang taon ay ipinawalang bisa ng NatioÂnal Police Commission (NAPOLCOM) ang resulta ng eksaminasyon na kinuha ng 225 examinees sa Mindanao.
Ayon kay Napolcom Vice-Chairman Eduardo Escueta, sa isinagawa nilang regular na “pattern analysis†nadiskubre ang pandaraya sa PNP Entrance at Promotional Examinations noong Abril 29 at Oktubre 14, 2012.
Sa examination sheets sa 205 PNP Entrance examiÂnees, nakita na may mataas na bahagdan ng magkakatulad na pattern ng maling sagot na nasa pagitan ng 50%-100%. Ang 20 namang Police Officer 1 na kumuha ng Promotion Exam ay nakita rin na may mataas ring bahagdan ng pattern ng maÂling sagot.
Ang mataas na antas ng maling sagot ay malinaw na ebidensya na nagkaroon ng iregularidad o pandaraya na labag sa RA 9416 o ang “Anti-Cheating Law of 2007â€.
Kaya’t nagbaba ng direktiba si Escueta sa 205 civilian examinees na hindi makakakuha ng PNP Entrance ExaÂmination sa loob ng tatlong taon batay sa probisyon ng NAPOLCOM Memorandum Circular No. 2000-00. Gayun din ang 20 pulis na PO1 na hindi makakakuha ng Promotion Exam sa loob ng tatlong taon.
- Latest