MANILA, Philippines - Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center ang isang 20-anyos na binata matapos na siya ay saksakin ng sariling ama na kanyang nakatalo matapos ang kanilang inuman kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Nasawi ang biktima na nakilalang si Alexander Dingcong Jr., residente Brgy. Greater Lagro, Fairview ng lungsod daÂkong alas-2:00 ng madaling-araw. Habang tumakas naman ang susÂpek na si Alexander DingÂcong Sr.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon ay masayang nag-iinuman ang mag-ama kasama ang ilang kaibigan sa kanilang bahay.
Matapos ang pag-iinuÂman ay nagpaalam ang biktima sa ama na aalis at pupunta sa Brgy. Payatas upang makipagkita sa ilang kabarkada doon.
Hindi pumayag ang ama dahil sa gusto niÂyang magpahinga ang anak na hindi nagustuhan ng huli na ikinagalit nito.
Dahil sa galit ng bikÂtima ay binato nito ang tatay hanggang sa magtalo ang mag-ama na kung saan ay kumuha ang suspek ng ice pick at inundayan ng saksak ang anak.
Naitakbo pa ang biktima ng kanyang mga kapitbahay sa Commonwealth Hospital bago inilipat sa EAMC, kung saan siya idineklarang patay ganap na alas-2:00 ng madaling-araw.