^

Police Metro

Matapos ang kanilang pag-iinuman… anak pinatay ng tatay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center ang isang 20-anyos na binata matapos na siya ay saksakin ng sariling ama na kanyang nakatalo matapos ang kanilang inuman kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Nasawi ang biktima na nakilalang si Alexander Dingcong Jr., residente Brgy. Greater Lagro, Fairview ng lungsod da­kong alas-2:00 ng madaling-araw. Habang tumakas naman ang sus­pek na si Alexander Ding­cong Sr.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon ay masayang nag-iinuman ang mag-ama kasama ang ilang kaibigan sa kanilang bahay.

Matapos ang pag-iinu­man ay nagpaalam ang biktima sa ama na aalis at pupunta sa Brgy. Payatas upang makipagkita sa ilang kabarkada doon.

Hindi pumayag ang ama dahil sa gusto ni­yang magpahinga ang anak na hindi nagustuhan ng huli na ikinagalit nito.

Dahil sa galit ng bik­tima ay binato nito ang tatay hanggang sa magtalo ang mag-ama na kung saan ay kumuha ang suspek ng ice pick at inundayan ng saksak ang anak.

Naitakbo pa ang biktima ng kanyang mga kapitbahay sa Commonwealth Hospital bago inilipat sa EAMC, kung saan siya idineklarang patay ganap na alas-2:00 ng madaling-araw.

 

 

ALEXANDER DING

ALEXANDER DINGCONG JR.

BATAY

BINAWIAN

BRGY

COMMONWEALTH HOSPITAL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GREATER LAGRO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with