Rep. Imelda nadapa

MANILA, Philippines - Isinugod sa pagamutan si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos matapos itong madapa sa labas ng session hall kahapon sa Kamara pasado ala-1:00 ng hapon nang bigla na lamang mapaluhod si Marcos habang naglalakad ito sa North lobby ng Batasan complex.

Kagagaling lamang ng mambabatas  sa session bago maganap ang insidente.

Nabatid naman na masama na ang pakiramdam at nahihilo na si Marcos habang nasa loob ito ng session hall.

Tila nabigla naman ang security ni Marcos at hindi kaagad natulungan ang mambabatas ma­tapos itong madulas.

Kaagad isinugod ng ambulansya sa Philippine Heart Center si Marcos kasama si Dr. Richard Dizon, chief ng Medical service ng Kamara.

 

Show comments