Rep. Velasco hindi dumalo

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagkatig ng Korte Suprema sa dis­qualification ng kaniyang kalaban na si Regina Reyes ay hindi dumalo si newly-proclaimed Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco sa opening session ng House of Representatives kahapon.

Binigyang-diin ni Velasco na ang kaniyang hindi pagdalo ay hindi na­ngangahulugan na sumuko na siya sa kaniyang pakikipaglaban para sa kaniyang makataru­ngang pagbabalik sa House. 

Idinagdag pa ni Velasco na si Reyes ay kinilala lamang dahil sa pansa­mantalang recognition ng House Secretary General sa naging proklamasyon nito noong Mayo 18, na binawi naman ng Commission on Elections En Banc  noong Hulyo 9 dahil sa hindi pagbasura nito ng kaniyang American citizenship at patuloy na pamamalagi ni Reyes sa Kongreso ay isa nang usurpation of public functions.

Sumulat na rin si Ve­lasco kay Speaker Feliciano Belmonte Jr. upang hi­lingin na siya ang kilalaning halal na representative ng lone district ng Ma­rinduque sa halip na si Reyes.

 

Show comments