Ex-partylist solon na dadalo sa SONA inaresto

MANILA, Philippines - Isang dating partylist representative na papunta sana sa Batasan Complex para dumalo umano sa State of the Nation Ad­dress (SONA) ng Pa­ngulong Benigno S Aqui­no III ang inaresto sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng korte.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang arestuhin ng mga tropa ng Quezon City Po­lice District (QCPD) warrant section si dating Senior Citizen Partylist Representative Godofredo Arquiza habang sakay ng kanyang Toyota Hi-Ace van papalabas ng Hobart Village sa kahabaan ng Zabarte Road, Baran­gay Kaligayahan sa Nova­liches.

Inaresto si Arquiza ng QCPD sa bisa ng arrest warrant para sa two counts of libel na inisyu ni Batangas City Regional Trial Court branch 2 Judge Maria Cecilia Chua.

Ang kasong libel ay nag-ugat sa reklamo na inihain dalawang taon na ang nakakaraan ng kanyang kasamahan sa partylist na si Francisco Datol Jr. at Plut Vazquez, hingil sa kanyang privilege speech noong May 30, 2011.

Ikinumpara din uma­no ni Àrquiza ang grupo ni Datol sa isang cri­minal syndicate na siyang pinagsimulan ng paghahain ng kaso.

Nauna nang disqua­lified ng Comelec ang Senior Citizen partylist, na nakatanggap ng higit sa 600,000 votes at naging pang 10 sa naging halalan noong May 13 midterm elections.

Show comments