MANILA, Philippines - Pinuntahan pa ng isang 32-anyos na lalaki ang mga kaibigan sa bilyaran upang magpakitang gilas sa paglalaro ng Russian roulette na kung saan ay pumutok ito sa pang-apat na pagkalabit ng baril sa kanyang sentido naganap kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang bikÂtimang si Ricky Flores, ng no 13 J. P Laurel St., P.S Cruz Subdivison, NoÂvaÂliÂches Quezon City.
Batay sa ulat, bago naÂganap ang insidente sa may J.P Laurel St., P.S Cruz malapit sa bahay ng biktima ganap na ala-1:30 ng madaling araw ay nakita umano ang biktima ng kanyang live in partner na si Joana Tiburcio na pumasok ng kanilang bahay at ilang minuto ay lumabas na may bitbit ng baril.
Nagpunta ang biktima sa kanyang mga kaibigan na noon ay naglalaro ng bilyar sa lugar at dito ay binunot ang kanyang baril saka inalis ang mga bala sa chamber nito saka naglagay ng isang bala lamang.
Itinututok ng bktima ito sa kanyang sentido saka kinakalabit, pero hindi puÂÂmuÂputok at sa ikaapat na pagkakataon nang muÂling kalabitin ang baril ay puÂmutok.