^

Police Metro

8K Pulis nakakalat sa Batasan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - May kabuuuang 8,000 pulisya ang nakakalat ngayon sa palibot ng Batasang Pambansa upang mangalaga ng kaayusan at katahimikan sa gagana­ping State of the Nation Address (SONA) ng pa­ngulong Benigno Aquino III ngayong araw na nito.

Ayon kay P/Chief Supt. Richard Albano, Director ng Quezon City Police District (QCPD) katuwang nila ang Natio­nal Capital Region Police Office (NCRPO) para sa pagmamantine ng seguridad sa lahat ng dadalo sa SONA ng Pangulo.

Aniya, nagtayo na sila ng mga command posts sa 13 lugar na pagdadausan ng rally, upang magbantay sa maaring maganap kung sakaling may magaganap na karahasan.

Para naman sa mga mamamahayag, magla­latag ang QCPD ng media information desk na magiging pansamantalang istambay point ng mga ito.

Sinabi pa ni Albano, hindi lamang nakatuon ang pansin ng kanilang pagbabantay sa mga mag­ra-rally sa SONA kung hindi maging sa iba pang petty crimes na maaring manamantala sa naturang okasyon.

Sa pagtaya ni Albano ay aabot sa 15,000 hanggang 18,000 militante ang magsasagawa ng kilos protesta, pero paiiralin pa rin umano nila dito ang maximum tolerance.

ALBANO

ANIYA

BATASANG PAMBANSA

BENIGNO AQUINO

CAPITAL REGION POLICE OFFICE

CHIEF SUPT

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICHARD ALBANO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with