MANILA, Philippines - Nakatakas sa pamaÂmagitan nang paglagare sa kanilang kulungang bakal ang dalawang preso na kapwa may kasong carÂnapping kamakalawa sa Caloocan City.
Ang mga nakatakas ay kinilalang sina Donald John Torribio, 19 at Berlin Del Rosario, 23, kapwa residente ng lungsod.
Sa naantalang ulat kaÂhapon na nakarating sa Caloocan City Police Headquarters, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nadiskubre ng duty desk officer na si PO1 Reggie Nuevaespana, ng Barugo Police Station, na natakasan siya nina Torribio at Del Rosario.
Dahil sa insiÂdenÂte ay sinibak sa kanÂyang puwesto si PO1 Nuevaespana na isasaÂiÂlalim sa imbestigasyon at nakatakdang sampaÂhan ng kaso kapag napaÂtunayan na nagpabaya sa kanyang tungkulin ang naturang pulis na bantay.