Tatay pinatay sa harap ng anak
MANILA, Philippines - Sa harap ng anak na babae binaril at napatay ang kanyang tatay ng kanyang tiyuhin dahilan sa alitan sa lupa sa bayan ng Dumingag, Zamboanga del Sur kamakalawa.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Jersoon Amonsto, 49, residente ng Brgy. Guitran, Dumingag. Pinaghahanap naman ang suspek na tiyuhin ng biktima na si Junie Babi at isa pang lalaki na kasama nito.
Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay kasalukuyang nakaupo sa teÂrasa ng kanilang bahay ang biktima at anak nitong si Jasty nang dumaÂting ang tiyuhin na may kasamang isang lalaki.
Agad na binunot ng suspek ang nakatago nitong baril na isang cal. 45 pistol at ipinutok sa ulo ng biktima na labis na ikinasindak ng dalagitang anak at pagkatapos ay mabilis na tumakas.
- Latest