MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad na nagdiriwang ng kanyang ika-61 kaarawan ang pinagbabaril ng kanilang barangay chairman matapos ang mainitan nilang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Tulunan, North Cotabato.
Nasawi noon din ang biktima na nakilaÂlang si Federico Supat, dahil sa tama ng bala sa dibdib.
Ang suspek na kusang loob na sumuko sa pulisya ay kinilalang si Gilberto Espelita, Chairman sa Brgy. Damawato ng bayang ito.
Batay sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen sa bahay ng biktima dakong alas-7:00 ng gabi ay nagdaos pa ng regular na pagpupulong sa barangay hall ang mga barangay officials.
Pagkatapos ang pagpupulong ay inimbitahan ng biktima ang kaniyang mga kasamahan at si Espelita sa munting inuman at salu-salo dahil sa kanyang kaarawan.
Matapos na malaÂsing ay nagkaroon ng pagtaÂtalo sa pagitan nina Supat at Espelita hanggang sa galit na lumisan ang huli at umuwi sa kanilang bahay.
Subalit, bumalik ang suspek na armado ng baril at pinaputok sa ere.
Pagkatapos ay sinunod nitong binaril ang biktima na tiÂnaÂmaan sa dibdib na siya nitong dagliang ikinamatay.
Matapos na mapatay ng suspek ang biktima ay kusang loob itong sumuko sa pulisya.
Isa sa motibo na iniimbestigahan ng mga otoridad ay anggulo na may kinalaman ito sa nalalapit ng barangay elections sa Oktubre.