MANILA, Philippines - Dalawang motorsiklo ang nagbanggaan sa highway ng Purok San Francisco, Brgy. Guinoman, Diplahan, Zamboanga Sibugay na ikinasawi ng tatlong katao kamakalawa ng gabi.
Namatay noon din sa lugar ng insidente ang biktimang si Jenifer Calunod dahil sa grabeng mga sugat na tinamo sa katawan at bahagi ng ulo.
Namatay habang nilaÂlapatan ng lunas sa Wilfredo Palma Memorial Hospital ang magkaÂpatid na sina Jovenson, 18 at angkas nitong kapatid na si Juvy Gomera, 25.
Sa ulat ng pulisÂya, bago naganap ang aksiÂdenÂte dakong alas-6:00 ng gabi sa nasabing highway ay bumabagtas ang kulay itim na motorsiklong WiÂzard 125 na minamaneho ni Jovenson kaangkas ang kapatid na si Juvy nang makabanggaan ang kasalubong na motorsiklong Kawasaki Barako na minamaneho naman ni Calunod.
Sa lakas ng banggaan ay bumaliktad sa gitna ng highway ang motorsiklo ng magkapatid na Gomera kasunod ang motorsiklo ni Calunod na malubhang ikinasugat ng naturang mga biktima.
Isinailalim na sa kustodya ng Diplahan Police Station ang nasabing mga motorsiklo kaugnay ng isiÂnasagawang imbestigasyon sa kaso.