Kagawad dedo sa ambush

MANILA, Philippines -Pinagbabaril at nasawi ang isang barangay kagawad habang nakaligtas ang isa nitong kasamahan sa naganap na ambush kamakalawa sa highway ng Brgy. Sta. Lucia, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ang nasawi ay kinila­lang si Eliseo Chua Mitu­da, 49-anyos, kagawad sa Barangay Dumagoc ng lung­sod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga ay kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo angkas ang 51-anyos na si Eduardo Lesmoras patungo sa kabilang barangay nang sila ay harangin sa hangganan ng Purok Lawis at Purok Makabibihag, Brgy. Sta. Lucia ng lungsod na ito at pagbabarilin ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo.

Nakaligtas naman ang angkas nito matapos na makatalon sa motorsiklo at magtatakbo. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal 45 pistol.

Show comments