MANILA, Philippines -Naka-engkuwentro ng tropa ng pamahalaan ang 6 miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nangoÂngotong sa mga residente sa lalawigan ng Albay at dito ay napatay ang dalawa naganap kahapon ng umaga.
Batay sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga ay nagsasagawa ng security patrol ang mga sundalo nang makatanggap ng report hinggil sa pangiÂngikil ng anim na armadong rebelde sa mga residente ng Brgy. Badbad, Oas, Albay.
Agad na nagresponde sa lugar ang mga sundalo kung saan nagkaroon ng 5 minutong putukan sa pagitan ng magkabilang panig at dito ay napatay ang dalawang rebelde na kinilala sa mga alyas na Ka Dennis, lider ng mga nangongotong na rebelde at isang alyas Ka Peter.
Narekober din sa piÂnangyarihan ng engkuwentro ang dalawang M16 rifles, bandoleers at mga personal na kagamitan.