MANILA, Philippines - Pinagtataga ng isang lalaking naburyong ang labindalawa nitong kapitbahay na ikinasawi ng apat kabilang ang isang 2-anyos na batang babae, habang walo ang nasugaÂtan na naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Cantutang, Padre Burgos, Southern Leyte.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Maria Felicilda, 56; Princess Jabonero, 23; Roger Salim, 39; at ang 2-anyos na si Leisly Ann Kaindoy.
Nilalapatan ng lunas sa Salvacion Oppus Yniguez Memorial Provincial Hospital sa Maasin City ang mga nasugatang sina MaÂximo Palero, 56; Georgie Jabonero, 15; Aiza Salim Kaindoy, 24; Genara Chu, 47; Zenaida Aguelo, 62; Joyjoy Senselia, 18; Love Joy Acabo, 21; at April Rose Salim, 13.
Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Mark Junie Telen alyas Tambalan, obrero at residente sa Brgy. Cantutang ng nasabing bayan.
Batay sa ulat, bago naganap ang pag-amok ng biktima dakong alas-7:00 ng gabi ay nag-inom muna ito ng alak at nang malaÂsing ay kinuha nito ang itak at nagwala na kung saan ang mga bahay ng kapitbahay ay pinasok nito at ang lahat ng mga nasa loob ay kanyang pinagtataga.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso kung bakit nag-amok ang suspek.