SB hindi pabor na tanggalin ang ‘pork’

MANILA, Philippines - Kung si House Spea­ker Feliciano “SB” Belmonte ang tatanungin ay hindi siya pabor na tanggalin ang Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mam­babatas.

Ayon kay Belmonte, ang constituents ng mga senador ay buong bansa habang sila naman at mga partylist congressmen ay mayroong sariling distrito at mga constituents na dapat paglaanan ng ka­nilang mga pork barrel.
Ginagamit umano nila ang kanilang mga pork barrel sa mga proyektong hindi nagagawa at napapabayaan ng national government.

Ang reaksyon ni Belmonte ay kaugnay sa pahayag ni Senador Franklin Drilon na kailangan nang i-abolish ang pork barrel matapos masangkot ang ilang mambabatas sa umanoy maanomalyang P10 bilyon pork barrel scam at inilaan ito sa mga ghost project.

Makikipag-ugnayan si Belmonte kay Justice Secretary Leila Delima at sa National Bureau of Investigation (NBI) upang makakuha ng mga dokumento na kanyang pag basehan kung kailangang paimbestigahan sa Ethics Committee ang mga sina­sabing sangkot sa nasabing scam.

 

Show comments