MANILA, Philippines - Ipinauubaya na lamang ng Commission on Elections (Comelec) sa Kamara ang desisyon kung ipagpapaliban o itutuloy ang pagsasagawa ng Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 29.
Sinabi ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes, hiniling na rin niya kay Pangulong Benigno Aquino na sertipikahan bilang urgent bill ang pagdetermina kung dapat na ituloy o ipagpaliban muna ang halalan.
Paliwanag ni Brillantes, kailangan na nilang malaman sa pagbubukas pa lamang ng Kongreso ang desisyon upang makapaghanda sakaling isabay ang SK sa barangay elections.
Giit ni Brillantes, hindi na maaari pang ipagpaliban ang SK elections sakaling naka-full blast na ang kanilang paghahanda para sa nasabing halalan.
Matatandaang baÂgama’t pabor ang ComeÂlec na ipagbaliban ang SK elections hindi naman ito nagpalabas ng reolusyon hinggil dito na pinaniniwalaang daan upang mabuwag ang SK.