^

Police Metro

Pagpapaliban sa SK elections nasa Kamara na - COMELEC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinauubaya na lamang ng Commission on Elections (Comelec) sa Kamara ang desisyon kung ipagpapaliban o  itutuloy ang  pagsasagawa ng Sangguniang Kabataan elections sa  Oktubre 29.

Sinabi ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes,   hiniling na rin niya kay Pangulong Benigno Aquino na sertipikahan bilang  urgent bill ang pagdetermina kung dapat na ituloy o ipagpaliban muna ang  halalan.

Paliwanag ni Brillantes, kailangan na nilang malaman sa pagbubukas pa lamang ng Kongreso ang desisyon upang makapaghanda sakaling  isabay ang  SK sa barangay elections.

Giit ni  Brillantes, hindi na maaari pang  ipagpaliban ang  SK elections sakaling  naka-full blast na ang kanilang paghahanda para sa nasabing halalan.

Matatandaang ba­gama’t  pabor ang  Come­lec na ipagbaliban ang  SK elections hindi naman ito nagpalabas ng   reolusyon hinggil dito na pinaniniwalaang daan upang  mabuwag ang  SK.

vuukle comment

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMELEC

GIIT

IPINAUUBAYA

KAMARA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with