^

Police Metro

Pagtaas ng buwis sa harina, pinalagan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalagan ng grupo ng mga panadero at mga umaangkat ng harina ang planong pagtataas ng buwis sa imported flour.

Sa Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan pinaliwanag ng flour importer na si  Ernesto Chua,  na sa halip na taasan dapat ay ibaba pa ang ipinapataw na tariff duty.

“Dapat bawasan ang 7%  na taripa pero kung mapilit sila at gusto rin nilang kumita ay puwede na ang three percent,” paliwanag ni Chua na chairman din ng Philippine –Turkish Business Council.

Hindi rin naniniwala si Chua na kikita ang gobyerno sa naturang dagdag na taripa, kundi ang magkakamal lang aniya ng salapi sa pagtaas ng custom’s duty ay ang ilang negosyante lamang ng harina.

Ani Chua, gusto lamang umanong masolo ng ilang negosyante ng harina ang merkado sa Pilipinas kaya pinupuntirya ang harina na galing sa Turkey.

Sa sandali aniyang tumaas ang taripa, tiniyak ni Chua na tataas ang presyo ng mga tinapay.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Walter Co,  ang president ng Philippine Baking Industry,  na dapat  pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang magiging epekto  sa ekonomiya  ng gagawing pagtataas ng taripa sa harina.

Kaugnay nito ay umaapela sa gobyerno  si Benito Lim, ang presidente ng Filipino Chinese Bakery Association, Inc., na bigyang-pansin ang lahat ng aspeto dahil maraming nangyayari ay kabaligtaran dahil ipinapakita lamang umano nila ang pagkakamali ng Phi­lippine Association of Flour Millers (PAFMIL).

vuukle comment

ANI CHUA

ASSOCIATION OF FLOUR MILLERS

BENITO LIM

CHUA

ERNESTO CHUA

FILIPINO CHINESE BAKERY ASSOCIATION

PHILIPPINE BAKING INDUSTRY

SA BALITAAN

TURKISH BUSINESS COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with