^

Police Metro

Ayaw makipag-balikan kaya… misis kinidnap ng ex-husband

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi umano nakuha sa pakiusapan at pagsusumamo ng isang mister ang kanyang misis na sila ay mu­ling magsama kung kaya’t puwersahan nilang magkaibigan na ito ay kidnapin habang naglalakad kasama ang kaibigan nitong babae kamakalawa sa 3rd Palm Spring, Brgy. San Miguel, Iligan City, Lanao del Norte.

Sa mabilis na pagresponde ng pulisya ay agad na naaresto ang dalawang suspek sa inilatag na checkpoint ng pulisya at militar  sa Brgy.Maria Cristina, Iligan City, Lanao del Norte.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Mark Cruz Rebosora, 28-anyos at Rogelio Bation, 60-anyos.

Batay sa ulat ng pulis­ya, dakong alas-10:30 ng umaga ay naglalakad ang dalawang biktima na kinilalang  sina Jingle Rebosora at Kathlyn Jane Dapol sa nasabing lugar nang harangin ng isang Toyota Innova (TPO-267) na sinasakyan ng dalawang suspek kabilang ang da­ting mister ni Jingle na si Mark Cruz at puwersahan silang dinukot at isinakay sa sasakyan.

Agad namang naglatag ng checkpoint ang tropa ni Lt. Col. Danilo Ibon, Commander ng 4th Mechanized Battalion  at ng pulisya sa highway ng Brgy. Maria Cristina at naharang dakong alas-11:00 ng umaga ang sasakyan ng mga suspek na hindi na pumalag nang arestuhin.

Sa presinto ay inamin ni Mark na kaya niya naga­wang dukutin ang dating misis dahil sa ayaw na nitong makipagbalikan sa kanya.

Gayunman, ayon sa pu­lisya ay tuloy ang kaso dahilan nadamay ang kaibigan ni Jingle na si Dapol.

 

BRGY

DANILO IBON

ILIGAN CITY

JINGLE REBOSORA

KATHLYN JANE DAPOL

LANAO

MARIA CRISTINA

MARK CRUZ

MARK CRUZ REBOSORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with