MANILA, Philippines - Hindi nakayanan ng isang 40-anyos na ina ang sinapit ng kanyang anak na ginulpi ng grupo ng kalalakihan kung kaya’t rumesbak ito at napatay ang isa sa gumulpi nang hatawin niya ng bakal ang ulo naganap kamakalawa sa Pasay City.
Namatay habang niÂlalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital dahil sa malaking sugat sa ulo ang biktimang si Rommel Cayaban, 35-anyos, security guard may-asawa, ng St. Agustin St., kanto ng St. Mary St., Maricaban ng lungsod.
Ang suspek na agad naaresto na nahaharap sa kasong homicide ay kinilalang si Lizela Diaz, ng Block 2, Lot 30, Rita St., Maricaban.
Bago nangyari ang krimen ay ginulpi umano ng biktimang si Cayaban at mga kabarkadang sina Michael Adviento, Dexter Cariaga, Rommel Cabalsi, Mark Anthony Padilla at Mark Jhun Rabanes, 35, ang anak ng suspek na si Mark Anthony Diaz.
Nabatid na ipinagdiriwang ang kaarawan ni Cabalsi nang palihim na pumasok sa bahay si Mark Anthony at nahuli ito at pinaggugulpi dahil sa “trespassingâ€.
Nang makauwi, nagsumbong sa ina at mga kaanak si Mark Anthony at rumesbak sa grupo ng biktima.
Dito pinaulanan ng bato, at teargas ng grupong suspek sina Cayaban kaya’t rumesponde sa lugar ang mga otoridad kaya’t lumabas ng bahay ang grupo ng biktima.
Dito umano sinamantala ng suspek at inatake si Cayaban nang hampasin ng matigas na bagay sa ulo.
Agad namang naaresto ng mga otoridad si Diaz habang isinugod sa pagamutan ang biktima kung saan ito nalagutan ng hininga.
Sa kulungan, sinabi ni Lizela na nagtungo sa bahay ng biktima ang kanyang anak upang magsanla umano ng singsing ngunit pinaggugulpi ng grupo ni Cayaban.