MANILA, Philippines - Minabuti ng isang fire volunteer na kitilin ang saraÂling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na siya ay iwanan ng kanyang misis sa Navotas City kahapon ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon si Russel Llobrera, 43, ng Merville Subdivision, Barangay Tanza ng naturang lungsod.
Ayon sa report ng Navotas City Police, kamakalawa ng gabi ay naglasing ang biktima sa birthday party ng kaanak at naglabas ng sama ng loob dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya ng kanyang misis. Dakong alas-7:00 ng umaga, bumulaga sa mga kapitbahay ang nakabigting si Lobrera, na nakatali ng nylon cord sa puno sa labas ng bahay nito.
Bago ang pagpapakamatay ay ilang araw na rin umanong nakikitang malungkot, at malalim ang iniisip ng bumbero buhat ng iwan siya ng kanyang misis.
Gayunman, nagsasagawa parin ng imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.