MANILA, Philippines - Ibinida kahapon ni PaÂngulong Benigno Aquino III ang magandang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kanyang liderato kung saan ay nakapagtala ito ng 7.8 percent economic growth.
Sinabi ng Pangulo sa 8th ambassadors, consul-general at tourism direcÂtor’s tour delegate sa MaÂlacañang na kulang man siya sa tulog dahil sa mahabang pulong nito kamakalawa sa pagtalakay sa proposed 2014 budget ay malugod niyang tinatanggap ang mga delegado sa pagbisita sa Pilipinas.
Inihayag ng Pangulo sa mga delegado, maraming tourism destination ang Pilipinas na dapat bisitahin ng mga turista matapos na kilalanin sa 2013 report ng World Economic Forum Travel and Tourism Competitiveness Index na number one ang Pilipinas sa tamang paggastos sa larangan ng turismo.
Ikinatuwa din ng chief executive ang pagpayag ng European Union (EU) na muling makalipad sa Europe ang Philippine Air Lines matapos nilang alisin ang ban dito bukod sa iba pang destinasyon sa Estados Unidos.