MANILA, Philippines -Napatunayang nagkasala at guilty ang ibiÂnaÂbang hatol kahapon ng AFP-GeÂneral Court Martial (AFP-GCM) laban kay Lt. Col. Leonard Peña, dating Commander ng 4th SF Battalion sa kasong paglabag sa Article of War (AW) 97 conduct prejudicial to good order and military discipline kaugnay ng madugong ambush ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa elite troops na ikinasawi ng 19 sundalo noong Oktubre 2011 sa Al Barka, BaÂsilan.
Ayon kay AFP GCM President Brig. Gen. Cirilo Torralba III, si Peña ang naglunsad ng pumalÂpak na assault operation sa Al Barka, Basilan noong Oktubre 18, 2011 kung saan tinambaÂngan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na tinuluÂngan pa ng umano’y grupo ng Moro Islamic LibeÂration Front (MILF) na ikinasawi ng 19 sundalo habang nasa 14 pa ang nasugatan.
Sa nasabing operasÂyon ay target sanang maaresto ang dalawang commander ng MILF rouge elements na sina Dan Laksaw Asnawi at Long Malat na kaalyado ng Abu Sayyaf Group.
Sa kabila nito ay pinaÂwaÂlang sala naman ng AFP-GCM si Peña sa paglabag sa AW 84 wilful or neglect loss, damage or wrongful disposition.
Bilang kaparusahan si Peña ay pinatawan ng 2 taong pagkakasuspinde o pagkakabimbin sa ranggo at command, reprimand at 200 na mababa sa hanay ng lineal listing ng AFP o promosyon ng mga opisyal.
Magugunita na bukod kay Peña ay nauna na ring hinatulan si daÂting SF Commander Col. Aminkadra Undug na guilty sa AW 97 na pinatawan naman ng suspension sa command at duty sa loob ng anim na buwan at pinababa ang ranking sa 50 files at na-reprimand rin ito.
Samantalang dalawa pang opisyal na sina Col. Alexander Macario at Lt. Col. Orlando Edralin ang nauna ng pinawalang sala ng GCM.