MANILA, Philippines - Patay ang isa habang apat pa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo habang ang mga biktima ay nagkukuwentuhan sa harap ng kanilang tahaÂnan sa Tondo, Maynila, kaÂmakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Mary Jhonston hospital ang biktimang si Ernesto Acul, nakatira sa 4-I Int., 35 Perla St., Tondo.
Ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRÂMMC) ang mga sugatang sina Reggie Alcover, 17, PriÂmo Zabala, 53, Zenaida Bitores, 49, biyuda at Benny Bitores, 27.
Sa ulat ni SPO2 Ramir Dimagila ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Perla at Quirino Sts., Tondo, Maynila.
Nabatid na habang nagkukuwentuhan ang mga biktima nang tumigil ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito at mabilis na tumakas.
Sinasabing nahagip ng Closed Circuit Television (CCTV) na nakakabit sa lugar ang insidente kung saan makikitang nakasuot ng kulay brown na bull cap at puting t-shirt ang mga suspek na mabilis na tumakas.