^

Police Metro

1 patay, 4 sugatan... Niratrat habang nagkukuwentuhan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isa habang apat pa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo habang ang mga biktima ay nagkukuwentuhan sa harap ng kanilang taha­nan sa Tondo, Maynila, ka­makalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Mary Jhonston hospital ang biktimang si Ernesto Acul, nakatira sa 4-I Int., 35 Perla St., Tondo.

Ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center  (JR­MMC)  ang mga sugatang sina Reggie Alcover, 17, Pri­mo Zabala, 53, Zenaida Bitores, 49, biyuda at Benny Bitores, 27.

Sa ulat ni SPO2 Ramir Dimagila ng Manila Police District-Homicide Section, dakong  alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Perla at Quirino Sts., Tondo, Maynila.

Nabatid na habang nagkukuwentuhan ang mga biktima nang tumigil ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito at mabilis na tumakas.

Sinasabing nahagip ng Closed Circuit Television (CCTV) na nakakabit sa lugar ang insidente kung saan makikitang nakasuot ng kulay brown na bull cap at puting t-shirt ang mga suspek na mabilis na tumakas.

vuukle comment

BENNY BITORES

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

ERNESTO ACUL

I INT

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JHONSTON

MAYNILA

PERLA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with