MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na walang sakay na Pinoy ang bumagsak na Asiana airplane sa San Francisco, USA kahapon ng umaga.
Ayon kay Usec Valte, sa pinakahuling ulat ng PhiÂlippine Embassy sa Estados Unidos ay sinigurong walang nasawi o nadamay na Pinoy sa nag-crash na Boeing 777 na eroplano ng Asiana sa San Francisco airport kahapon ng umaga.
“It’s very unfortunate, what happened, hopefully… We continue to hope that everyÂbody is safe and we send out our condolences to the families of the… ‘Yung, the last time I checked, parang dalawa po yata ‘yung naging casualties. We send out our deepest sympathies and our condolences to them, as well as our well wishes for the recovery of the injured,†wika pa ni Valte.
Batay sa manifesto ng Flight OZ-214, ito ay may 291 passengers at 16 na crew.
Napag-alaman na galing ng Incheon International Airport kahapon ang eroplano at patungo ito ng San Francisco nang mangyari ang aksidente habang ito ay papalapag na sa Runway 28 ng paliparan.