^

Police Metro

Walang Pinoy... Bumagsak na eroplano sa USA

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na walang sakay na Pinoy ang bumagsak na Asiana airplane sa San Francisco, USA kahapon ng umaga.

Ayon kay Usec Valte, sa pinakahuling ulat ng Phi­lippine Embassy sa Estados Unidos ay sinigurong walang nasawi o nadamay na Pinoy sa nag-crash na Boeing 777 na eroplano ng Asiana sa San Francisco airport kahapon ng umaga.

“It’s very unfortunate, what happened, hopefully… We continue to hope that every­body is safe and we send out our condolences to the families of the… ‘Yung, the last time I checked, parang dalawa po yata ‘yung naging casualties. We send out our deepest sympathies and our condolences to them, as well as our well wishes for the recovery of the injured,” wika pa ni Valte.

Batay sa manifesto ng Flight OZ-214, ito ay may 291 passengers at 16 na crew.

Napag-alaman na galing ng Incheon International Airport kahapon ang eroplano at patungo ito ng San Francisco nang mangyari ang aksidente habang ito ay papalapag na sa Runway 28 ng paliparan.

vuukle comment

ASIANA

AYON

BATAY

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

ESTADOS UNIDOS

INCHEON INTERNATIONAL AIRPORT

INIULAT

PINOY

SAN FRANCISCO

USEC VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with