OFW dinedo ng sekyu
MANILA, Philippine s- Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang binaril at napatay ng isang sekyu sa Sta. Ana, Maynila, kamaÂkaÂlawa ng gabi.
Ang biktima ay hindi na umabot ng buhay sa Sta. Ana hospital ay nakiÂlalang si Aliasa Ibrahim, 25, tubong Lanao Del Sur, may-asawa at nanunuluÂyan sa East West Transient Building na matatagpuan sa #2402 Syquia St., panulukan ng M. Roxas St., Sta. Ana, Maynila.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng kalibre 38 baril sa katawan na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.
Agad namang tumakas ang suspek na kinilalang si Gary Bitan, security guard ng Skynet Security and Investigation Inc., na may tanggapan sa #180 CongÂressional Ave., Project 8 , Quezon City.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-6:45 ng gabi sa loob ng East West Transient Building na binabantayan ng suspek.
Ayon sa report, naka-duty umano ang suspect nang makita nito ang bikÂtima na nakaupo sa hagdanan sa 2nd floor ng gusali kaya nito sinita at pinagsabihan huwag umupo sa hagdan. Nauwi sa mainitang pagtatalo ang pagsita ng guwardiya sa OFW hanggang sa bumunot ito ng baril at pinaputukan ang biktima.
Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang suspek dala ang kanyang service firearm na ginamit sa krimen.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinasabing nagkaroon na rin ng unang alitan ang biktima at suspek na siyang posibleng nagpainit sa guwardiya kaya nito binaril ang OFW.
Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang pulisya para madakip ang tumakas na guwardiya upang mapanagot sa ginawang krimen.
- Latest