MANILA, Philippines - Pinuntirya ng bala sa ulo ng mga hindi pa kilalang suspek ang isang miyembro ng Sangguniang Bayan na isa ring negosyante at nang bumulagta ay tinangay ang dala nitong P500,000 naganap kamakalawa sa cattle market sa bayan ng Dolores, Abra.
Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Rogelio Talingdan, 52, ng Brgy. San Gregorio, La Paz ng lalawigan. Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw ay abala ang biktima sa pakikipagnegosasyon sa ibinebentang baka nang pagbabarilin ng mga suspek. Nang bumagsak ang biktima ay lumapit ang isa sa mga salarin at kinuha ang suot nitong tsaleko na kinalalagyan ng P 500,000 cash.