MANILA, Philippines - Isang 4th year high school student ang nasawi habang sugatan naman ang isa pa makaraang sumalÂpok sa puno ng niyog ang motorsiklong sinasakÂyan nila kamakalawa Âsa Luna, Apayao.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Mark Anthony Cabuhat, 17-anyos na nagtamo ng grabeng sugat sa katawan, habang nilalapatan ng lunas ang sugatang si Jayson Tapec, 17, 3rd year high school pawang residente ng Brgy. Dagupan.
Ayon sa ulat, bandang alas-9:00 ng gabi ay minamaneho ni Tapec ang motorsiklong Honda TMX 155 (XJ 8602) at ang angkas si Cabuhat.
Binabaybay ng mga ito ang kahabaan ng national road, Purok Maligaya, Brgy. Dagupan nang mawalan ng kontrol sa manibela si Tapec kaya’t nagpagewang-gewang hanggang sa bumangga sa puno ng niyog.
Sa lakas nang pagkakabangga ay nagtamo ng matinding sugat ang backrider na si Cabuhat partikular na sa bahagi ng ulo na siya nitong ikinamatay.
Sa imbestigasyon na kapwa nasa impluwensya ng alak ang dalawang estudyante nang mangyari ang insidente.