MANILA, Philippines - Bagama’t hindi piÂnalad sa nakalipas na senatorial elections si dating senador Jamby Madrigal ay umapela ito sa mamamayan na makiisa sa pamahalaan sa paglaban sa baha lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Anya, ang maliit lang na bagay tulad ng tamang pagtatapon ng basura ay malaking tulong dahil sa hindi na magbabara ang estero at kanal.
Maging ang pangaÂngalaga sa likas na yaman tulad ng hindi pagpuputol ng mga puno sa mga kabundukan ay isa nang malaking tulong sa gobyerno dahil wala nang magaganap na flashflood o pagguho ng lupa sa mga lalawigan.
Ipinaalala ni Madrigal sa naganap na baha sa Metro Manila kamakailan ay natuklasang nagbarang mga basura sa estero’t kanal.
Sinang-ayunan ni Madrigal ang obserbasyon ng Metro Manila DeveÂlopment Authority at Department of Public Works and Highways na ang kalimitang pagbaha ay dahil sa walang pakundangan pagtatapon ng mga basura ng mamamayan.