Lalaking tsinap-chop kinilala

MANILA, Philippines - Kinilala ng isang babae na live-in partner niya ang lalaking natagpuan na walang ulo at putol ang mga binti sa isang madamong lugar sa Caloocan City ka­makailan.

Positibong kinilala ni Jessica Del Rosario na ang lalaking tsinap-chop ay ang live in partner ni­yang si Carmelo Villa­roel, 22, ng Kaong St., Am­paro Subdivision, ng naturang lungsod.

 Sa pahayag ni Del Ro­sario, dakong alas-4:00 ng hapon noong Hunyo 29 nang umalis sa kanilang bahay ang biktima na kung saan dakong alas-5:30 ng hapon ay naki­pagkita ito sa nobyang si Editha De Leon sa San Jose Del Monte, Bulacan at ma­ka­lipas ang kalahating oras ay naghiwalay na.

Kinabukasan dakong alas-3:00 ng hapon nang makita ang binti ng biktima sa madamong bahagi ng Anahaw St., at nahukay rin ang ulo at ilang bahagi ng katawan ng biktima.

Lumalabas na kahit ka-live ng biktima si Del Rosario ay nobya naman nito si De Leon na sa kabi­la na may asawa ito na na­nga­ngalang Esteban Bib­liotica na isang matadero ay nakikipagrelasyon pa rin ito sa biktima at nagsasama sila sa isang bahay sa Maligaya, Quezon City.

Patuloy ang imbesti­gas­yon ng pulisya kung ang motibo ng pagpatay sa biktima ay may kaugnayan sa love triangle.

Show comments