MMDA footbridges isasapribado

MANILA, Philippines - Upang lalong mapa­ganda ang serbisyo sa pub­liko ay isasapribado na ng Metro Manila De­velopment Authority (MMDA) ang footbridge sa Ka­may­nilaan.

Kahapon ay inilunsad ng MMDA ang kanilang “Adopt-A-Footbridge prog­ram” sa ilalim ng “Public-Private Partnership” ng ahen­sya kasama ang AMSI Builders and Illuminate Dy­namic Media, Inc. (IDMI) sa inagurasyon kahapon sa C-5 Libis, Eastwood sa Quezon City.

Sa ilalim ng kasunduan, pagagandahin ng IDMI ang ilang piling footbridges sa Metro Manila, lalagyan ng bubong, palikuran, hala­man at maglalagay rin ng security guard laban sa mga kriminal at mga illegal ven­dors.

Sasagutin ng pribadong kumpanya ang gastusin sa pagpapaganda ng footbridge at walang sasagutin ang pa­ma­halaan. 

Upang kumita naman ang pribadong kumpanya, maaaring tumanggap ang mga ito ng “advertisement” sa ibabang bahagi ng mga footbridges.

Layon rin ng MMDA na matigil na ang laganap na pa­mumugad ng mga illegal vendors na nagkakabit pa ng mga tents sa ibabaw ng mga footbridges na mistulang hindi masawata ng kanilang mga tauhan.

 

Show comments