MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis sa isang shootout ang tatlong lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na Akyat Bahay gang makaraang akyatin ng mga ito ang gate ng bahay ng isang negosyante kahapon ng umaga sa Brgy.Camaman-an, Cagayan de Oro City.
Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa katawan ng mga suspek.
Sa ulat ng Cagayan de Oro City Police bandang alas-8:30 ng umaga nang akyatin ng mga suspek ang isang malaÂking bahay sa Adela Subdivision na plano nilang pagnakawan.
Ang nasabing bahay ay pag-aari ng isang NorÂjahan Moorjani, may moÂney-lending at check-encashing business.
Nabatid na nakunan pa ng CCTV camera ang pag-akyat ng mga suspek sa gate ng bahay ng nasabing negosyante.
Nagawa namang maÂkahingi ng tulong ang kaÂtiwala ng bahay.
Naalarma ang mga kapitbahay na agad tumawag sa himpilan ng pulisya na mabilis na ruÂmesponde sa lugar at naabutan ang mga suspek na tumatakas.
Pinapasuko ng mga otoridad ang mga suspek, subalit nagbunot umano ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga pulis kaya’t nauwi sa palitan ng putok ang magkabilang panig hanggang sa napatay ang tatlo habang ang ikaapat na suspek ay nakatakas.