Engkuwentro sa Sorsogon... 8 NPA rebels napatay
MANILA, Philippines - Muling nagkasagupa ang tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na ikinasawi ng walong rebelde naganap kahapon ng umaga sa liblib na lugar sa Brgy. CalmaÂyon, Juban, SorsoÂgon.
Sa ulat ni Col. Joselito Kakilala, Commander ng Army’s 903rd Infantry Brigade, bandang alas-6:00 ng umaga nang sumiklab ang sagupaan sa nasabing lugar.
Nabatid na nagsasagawa ng combat operations ang tropa ni Army’s 31st Infantry Battalion (IB) Commander Lt. Col. Beerjenson Aquino sa Brgy. Calmayon nang masabat ang 20 armadong rebelde.
Agad nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng 35 minuto na kung saan ay walong rebelde ang napatay kabilang ang dalawang amasona habang walang nasugatan sa mga sundalo.
Nagsiatras sa sagupaan ang mga rebelde na inabandona ang mga kasamahang nasawi.
Ayon naman kay KakiÂlala na malaki ang naitulong ng mga sibilyang residente na nag-tip sa tropa ng militar sa presensya ng mga rebelde.
Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang bangkay ng naÂsaÂwing mga rebelde, tatÂlong baby armalite, daÂlawang M16 rifle na may nakakabit na M203 grenade launcher at isang Improvised Explosive Device (IED).
- Latest