MANILA, Philippines -Binitay na kahapon sa pamamagitan ng lethal injection ang 35-anyos na Pinay drug mule na nahulihan ng kilo-kilong heroin.
Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Raul Hernandez na natuloy na ang pagbitay kahapon ng umaga sa Zhe Jian detention facility sa Hangzhou, China.
Inaayos na ng Philippine Consulate General sa Shanghai sa pakikipag-ugnayan sa Chinese authorities ang agarang repatriation sa mga labi ng Pinay at inatasan sila ng DFA na asistehan ang ina ng Pinay na kasalukuyang nasa China hinggil sa kahilingan nito na ma-cremate ang labi ng kanyang anak bago nito maiuwi sa Pilipinas.
Tumanggi si Hernandez na pangalanan ang nasabing Pinay at magbigay ng iba pang detalye hinggil sa nasabing pagbitay dahil sa kahilingan na privacy ng pamilya.
IpinaliwaÂnag ni Hernandez na bagaman nirerespeto ng DFA ang kaÂhilingan ng pamilya na privacy, hindi umano nila puwedeng ilihim sa publiko ang ginawang pagbitay.
Ang nasabing Pinay ay ikalima na sa mga Pilipino na binitay sa China. Una ay sina Ramon Credo, 42; Sally Ordinario-Villanueva, 32 at Elizabeth Batain, 38 noong Marso 30, 2011 at sumunod ang isang 35-anyos na Pinoy noong Disyembre 8, 2011.