Special child nalunod

MANILA, Philippines -Isang bangkay ng 5-anyos na batang lalaki na special child ang natagpuang palutang-lutang matapos na malunod sa Cabato River, Brgy. Tetuan, Zamboanga City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Bennie Gonzado, residente ng Aurora Village, Brgy. Guiwan ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, bago natagpuan ang bangkay ng bata sa ilog dakong alas-9:40 ay hindi umano napansin ng lola na nakalabas ito ng bahay.

Ayon naman sa ilang mga kalaro na ang  biktima ay nagtungo sa direksyon ng ilog ng mag-isa para umano maligo.

Sa ilang oras uma­nong  paghahanap sa biktima ay nakita ng isang concerned citizen ang bangkay ng bata na palutang-lutang sa nasabing ilog.

Show comments