MANILA, Philippines -Pinagbabaril ang isang 39-anyos na seaman ng isang lalaki habang ito ay naglalakad sa kanilang subdivision pauwi sa kaÂniÂlang bahay kamakalaÂwa ng gabi sa Brgy. OsoÂrio, Trece Martirez City, CaÂvite.
Namatay noon din ang biktima na nakilaÂlang si Edgar Galon, may-asawa, residente ng Blk. 5, Lot 69, Summerfield Subdivision ng nasabing barangay.
Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay nagÂlalakad ang biktima sa nasabing lugar nang ito ay harangin ng isang hindi pa nakilalang lalaÂki at sunod sunod na piÂnaÂpuÂtukan.
Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis tumakas ang susÂpek.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng pagpaÂtay sa biktima.