Miriam muling inihain ang Anti-epal bill
MANILA, Philippines -Isang panukalang batas na “Anti-epal bill†ang muling inihain ni Senator Miriam Defensor-Santiago na naglalayong ipagbawal ang paglalagay ng pangaÂlan ng mga pulitiko sa mga ipinapagawa nilang proyekto.
Sa Senate Bill 54 siÂnabi ni Santiago na nakagaÂwian na ng mga opisÂyal sa bansa ang paglalagay ng kanilang mga pangalan sa mga ipinapagawang proyekto kahit pondo naman ng gobyerno ang ginamit dito.
Ang epal ay mula sa salitang “mapapel†isang termino tungkol sa mga taong nais palaging nabibigyan ng atensiyon.
Naniniwala si Santiago na kung magkakaroon ng anti-epal mababawasan ang “unethical practices†sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno.
Sa sandaling maging ganap na batas ang panukala ay tatawaging “Anti-Signage of Public Works Actâ€.
Ang sinumang mahuhuling lalabag ay papatawan ng parusang pagkakulong ng hindi bababa sa anim na buwan pero hindi lalampas sa isang taon at habambuhay ng hindi makakapagsilbi sa gobyerno.
- Latest