Petron nagtaas ng presyo sa auto-LPG at kerosene
MANILA, Philippines -Bagama’t nagrolbak sa presyo ng langis ay mistulang binawi naman ng Petron Corporation ang kanilang presyo sa kerosene at Auto-LPG (liquefied petroleum gas) kahapon.
Sinimulan kahapon ng Petron Corporation ang pagtataas ng halaga ng kanilang cooking gas sa halagang P2.50 kada kilo o katumbas ng halagang P17.50 sa kada 11-kilong tangke.
Sinabi pa ni Raffy LeÂdesma, CommuniÂcaÂtions Strategic chief ng Petron, itinaas din nila ang halaga ng kanilang auto gas kahapon sa halagang P 1.56 kada litro.
Ang patuloy anya ng pagtaas umano ng conÂtract price ng LPG sa panÂÂdaigdigang pamilihan ang dahilan ng pagtataas nila ng presyo sa kabila naman ng pagbaba sa presyo ng gasolina at dieÂsel.
- Latest