Guro inakyat bahay, pinatay

MANILA, Philippine s- Patay na nang ma­tag­puan ang isang lala­king guro sa loob ng kan­yang bahay mata­pos pag­naka­wan ay pagsasak­sakin ito ng hindi pa kila­lang suspek naganap ka­ma­kalawa ng gabi sa Que­zon City.

Ang biktima na natag­puang nakahandusay sa sahig at tadtad ng mga saksak sa leeg ay ki­ni­la­lang si Daniel Pagat­pa­tan, 64-anyos, guro sa San Agustin Elementary School.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joselito Gagasa, da­kong alas-6:30 ng gabi nang matagpuang patay ang biktima ng kan­­yang anak na si Nick Lorenzo Pagatpatan sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa Block 3, Lot 15, Camia St., MCB-1, Brgy. San Agustin, No­valiches.

Nawawala ang gamit ng biktima tulad ng isang Apple Mcpro, Acer laptop, Iphone 5, Blackberry cell phone, mga alahas at pita­ka na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga.

Sa salaysay ng batang Pagatpatan bago ang insidente iniwan nilang mag-isa ang biktima sa ka­nilang bahay noong June 28, ganap na alas-6:00 ng gabi para dumalo kasama ang kanyang nanay at kapatid sa death aniversary ng kanilang kaanak sa Tagaytay City.

Hanggang pagkabalik niya ay saka nadiskubre ang kalunos-lunos na pag­ka­matay ng ama.

 

Show comments