Guro inakyat bahay, pinatay
MANILA, Philippine s- Patay na nang maÂtagÂpuan ang isang lalaÂking guro sa loob ng kanÂyang bahay mataÂpos pagÂnakaÂwan ay pagsasakÂsakin ito ng hindi pa kilaÂlang suspek naganap kaÂmaÂkalawa ng gabi sa QueÂzon City.
Ang biktima na natagÂpuang nakahandusay sa sahig at tadtad ng mga saksak sa leeg ay kiÂniÂlaÂlang si Daniel PagatÂpaÂtan, 64-anyos, guro sa San Agustin Elementary School.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Joselito Gagasa, daÂkong alas-6:30 ng gabi nang matagpuang patay ang biktima ng kanÂÂyang anak na si Nick Lorenzo Pagatpatan sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa Block 3, Lot 15, Camia St., MCB-1, Brgy. San Agustin, NoÂvaliches.
Nawawala ang gamit ng biktima tulad ng isang Apple Mcpro, Acer laptop, Iphone 5, Blackberry cell phone, mga alahas at pitaÂka na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga.
Sa salaysay ng batang Pagatpatan bago ang insidente iniwan nilang mag-isa ang biktima sa kaÂnilang bahay noong June 28, ganap na alas-6:00 ng gabi para dumalo kasama ang kanyang nanay at kapatid sa death aniversary ng kanilang kaanak sa Tagaytay City.
Hanggang pagkabalik niya ay saka nadiskubre ang kalunos-lunos na pagÂkaÂmatay ng ama.
- Latest