MANILA, Philippines - Isang bus na pag-aari ng Phil. FisheÂries Development Authority (PFDA) ang grinanada na ikinasugat ng pitong kawani na naganap sa kahabaan ng Tetuan highÂway, Brgy. Tetuan, Zamboanga City kaÂhapon ng umaga.
Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Luciano Jelaga; Ombre Hamsirani; Orly Villareal; Emil Anita; Jaafar Hassan; Emil Anitan at Eugene Lozano; pawang empleyado ng Sangali Fishing Corporation na isinugod sa iba’t ibang pagamutan ng Zamboanga City.
Batay sa ulat, bandang alas-7:15 ng umaga ay kasalukuyang minamaheno ng driver na si Jaime de la Rosa ang service bus (SCN-997) ng nasabing kumÂpanya sakay ang mga empleyado nito na papasok sa trabaho nang hagisan ng granada ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan pagsapit sa harapan ng Coca-Cola Plant sa nasabing lugar.
Isang malakas na pagsabog ang yuÂmanig na ikinasugat ng pitong empleÂyado.
Patuloy ang imbestigasyon kung ang motibo ng pag-atake ay extortion.