MANILA, Philippines - Anumang oras ngaÂyong araw ay nakatakdang bitayin ang isang 35-anyos na Pinay na pinatawan ng death penalty dahil sa pagpupuslit ng mahigit 6 kilong heroin sa China.
Ito ang inihayag ni Vice President Jejomar Binay, kasunod ng isiÂnaÂgawang jail visit at paÂmaÂmaalam ng kanyang kaanak sa kulungan nito sa China.
Sinabi naman ni FoÂreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na nakausap ng may 30-minuto kahapon ng umaga (Lunes) ang bibitaying Pinay ng kanyang ina at isa pang kaanak sa men’s jail sa Hangzhou.
Hiniling din ng ina ng Pinay na mabisita ang kanyang pamangkin na nakaÂkulong dahil din sa drug smuggling.
Ang nasabing Pinoy ay ang kasa-kasama ng Pinay na pinatawan ng death penalty, subalit ang una ay nabigyan ng 2-taong reprieve dahil sa magandang asal sa piitan.
Ang mag-pinsan ay magugunitang naaresto sa isang paliparan malapit sa Shanghai noong Enero 2011 matapos na madiskubre ng Chinese authorities na may dala silang kilu-kilong heroin sa kanilang bagahe na siyang dahilan upang patawan sila ng death penalty noong nakaÂlipas na taon.